Search Here Anything!

Saturday, July 16, 2011

Diversionary Tactics


TAKTIKANG DIVERSIONARYO

Taong nagnanasang magkapangalan,
Makamtan lang ang magandang kapalaran.
Bagamat sabik sa pera'y lalapit,
Na ang lupit  kung sa patalim kakapit,
At pawang mga linta kung makadikit.

Taong sa konsensiya'y walang bagabag,
Ibig raw ituwid ang kanyang nilalabag.
Pandaraya at kurakot lahat nalang maipahayag
Ito’y magluluhang buwaya sa kasalanang nagawa
Para lang sa pagpataw ng parusa’y maipagsawalang-bahala 

Katotohanan sigaw ng mga maralita
Saan? Bakit  nalusaw at hindi nakita?
Alalahaning  sumumpa sa isip, sa salita at sa gawa
Upang karapatang pantao  ay maibigay
Dahil dito sa mundo lahat ay pantay-pantay.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Thanks for dropping by...

Follow by Email